Posts

LARAWAN (DAGLI)

"Ate mayroon bang size 28 nito?" tanong ko sa saleslady. Andito ako ngayon sa mall  bumibili ng tsinelas, wala kasi akong tsinelas na gagamitin sa bahay dahil kakauwi ko  lang galing Canada. "Oy Jennifer! Ikaw ba yan?" sambit ko ng makita ang matalik kong kaibigang matagal ko  ng hindi nakikita. "Joan? Sis kamusta ka na?" natutuwang sabi nito sabay yakap sa akin.  "Ito kakauwi ko lang galing Canada" sagot ko. "Parang biglaan naman ata pag-uwi mo?"  tanong niya. "Nakakamiss ang Pilipinas kaya napagpasyahan kong magbakasyon muna.  At saka para makasama ko rin pamilya at boyprend ko, matagal-tagal na rin kaming hindi  nagkikita. Ikaw kamusta ka na?" sagot ko habang nakangiti. “Okey na okey ako sis! Lalo  na ngayong may boyprend na rin ako" kinikilig na sambit nito sa akin. Dumating ang saleslady kaya hindi namin naipagpatuloy ang aming pag-uusap kaya  napagpasyahan na lang naming magkita bukas upang maipapatuloy ang aming  p...